recalls
CAUTION: mahaba ito, pero sige na basahin mo!
isang napakaordinaryong umaga..gumising ng 11:30AM at umalis ng bahay ng 1PM..nagpunta sa ministop katipunan para hintayin si shummy na nakatulog sa fx kaya hindi naririnig at nababasa ang mga texts at tawag ko..ang init sa ministop man, sa table na kinauupuan ko kung san nagsisiksikan ang mga tao ay talaga namang malamok..lamok, kamusta naman ang pagpapak mo sa paa ko?? busog ka na ba? ako gutom na..hindi ako mapakali..at aba ang katabi ko tingin ng tingin, mukha bang nanakawin ko ang celfone mo?nilalamok lang ako tsong! 40mins ang aking nilagi bago dumating si shummy na ngiting ngiti dahil late sa usapang 2pm. nagpunta kami sa school para lakarin ang transcript ni shummy, wow mimi nung march ka pa grumaduate.. at binigay ang thesis namin kela jenna maski walang kapalit na softbatch.. ang sarap bumalik sa school.. madaming manlalaki ang mata at sisigaw na "ate kenny, ate shummy!!", iba na talaga ang malayo ang narating sa buhay, ahahaha este tambay na lang sa bahay, pag nakita ka nila parang star ka.. kulang na lang sampaguitang kwintas at bouquet ng flowers..hehe! kahit san ka mapalingon e puro mga dating kaibigan, merong todo bati, todo habol, todo makibalita(in short tsismosa), todo ka pagsilbihan(yung tipong ipagnanakaw ka ng mga nasa nakatataas na pwesto sa council ng id lace at ng course kit kahit graduate ka na, souvenir e, samantalang yung ibang CA walang ganun dahil di pa bayad..haha), may todo yuko na parang ayaw na sila ang unang bumati, todo ngiti, shet todo na to! kasing-todo ng pawis na lumalagatak sa amin ni mimi, dahil sa ilang hallways na nilakad para sa transcript at thesis na yan..tama na ang usapang school, basta madaming nangyari..nagtaxi kami papuntang ever, ang "the place to be" na mahigit isang buwan ko na hindi napupuntahan.. walang masyadong "stuff that really sucks" (ika nga ng dating kaibigan na si b'joun, asan na kaya yun?), pero may mangilan ngilan na patok sa mata namin ni shummy..ang saya ng ever moments noh..para kang namamasyal sa malaking ukay(joke) hakhak!nagice cream kami sa gutom(comfort food daw yun sabi ng teatro)..tapos nagpunta sa convergy's para imeet si mikki, aba talaga naman imimeet namin yun dahil may pasalubong yun..tumambay sa tapa king, at kumain ng....tapa! ahaha..ang tagal ng tapa, oo yung tapa yung matagal! pasensha na mikki, nanginginig na kami sa gutom kaya hindi namen hinintay ang pagdating mo, dahil susulpot ka naman maya maya lamang..pero yung tapa namin ang tagal..nang makakain kami ng tapa at ice cream aba e naexcite na kami sa pagdating ni mikki, este sa pagdating ng pasalubong nya(joke), ang sarap nga naman kasi ng poptarts at chocolates..haayy sarap tumambay..matagal tagal pa dahil kailangan namin samahan si mikki dun hanggang 11pm dahil 11 pa ang pasok nya..dumating din si jayvee.."gm cars the best" ahahaha..yan ang nafifeel ni mikki sa pinagtratrabahuhan nya ngayon, the best daw.. sori naman kung napagdiskitahan namin ang "the best" ni mikki.."lam mo ba yung BESTfriend ko, lam mo nagmiloBEST ako, haha!! ay hindi ka na ba makarelate??basta, bottom line, tawanan mode at patayin sa asar si mikki..nasobrahan ata ako sa saya, may narinig akong masamang balita, mula sa isang kaibigan..alam kong ang intensyon nya lang e wag ako magalala.. naiintindihan ko naman.. at expected na yun, mahirap lang pala pag confirmed na..nakakaiyak..pero ayus lang, ang haba ng araw na ito..isang ordinaryong araw na may halong kasikatan ngayo'y lugmok na sa kalungkutan, ahahaha level up sa drama yan!! ayus ba? kaya kayo wag kayo masyado magpakasaya pag nakakatanggap kayo ng pagkain at kasikatan ahahaha!ang saklap nun..pero walang sisihan..tanggapin na man!ayus..parang nagflashback lahat ng pageenjoy ko ngayong araw na 'to..di ka pala laging panalo..gulong ng palad..nyaha!! umuwi ako ng masaya, pero may kulang e, hhmm..ahh hayaan mo na nga baka kasi hindi ko lang nakuha yung softbatch kaya parang may kulang..tama! yun na lang ang iisipin ko.. LESSON 1: lahat ng masasayang bagay natatapos din.. LESSON 2: wag kumain ng nachos at tapa sa tapa king, ang liit ng serving..

0 Comments:
Post a Comment
<< Home